-- Advertisements --

Nilinaw ng Phivolcs na walang ipina-iral na tsunami alert sa Pilipinas, sa kabila ng malakas na lindol sa Tonga.

Magugunitang kaninang alas-7:29 ng umaga ay niyanig ng 6.6 magnitude ang isla ng Tonga.

May lalim itong 131 kilometers at sinasabing nagmula sa Tofua Island volcano.

Nabatid na ang naturang isla ay walang mga residente dahil itinuturing iyon bilang aktibong bulkan.