Ipinagmalaki ng Boston Celtics na wala pang mga players ng koponan ang nagpositibo sa coronavirus disease 2019 (COVID-19).
Ayon kay Celtics coach Brad Stevens, sinimulan ng team na isailalim sa testing ang mga players, coaches at staff noong Hunyo 23, at sa kabutihang palad ay walang dinapuan ng deadly virus.
Wala rin aniyang players na nagsabing hindi sila lalahok sa “bubble” restart ng NBA sa Orlando, Florida.
“We’re testing every other day and, knock on wood, none so far,” wika ni Stevens. “It’s important that we all take care of ourselves and do everything we can to go into the bubble healthy.
“Those first couple of weeks of practice are going to be important getting our legs underneath us. Once you get into practice and really playing, it’s a different kind of level you have to reach.”
Nakatakdang magtungo sa orlando ang Celtics sa Hulyo 9 (Manila time), at ipinagyabang ni Stevens na nagawa ng mga players na manatiling malusog kasabay ng pagtalima sa health protocols.
Sinabi pa ng coach na susubukan niya raw na ihanda nang paunti-unti ang mga players sa paglalaro tuwing makalawa sa oras na magpatuloy na ulit ang NBA.
“We have to be ready for that kind of schedule,” ani Stevens.