Pinawi ni PNP chief PDGen. Ronald Dela Rosa ang pangamba ng mga residente ng Bohol kasunod ng sagupaan kahapon sa pagitan ng militar, PNP at mga bandidong Abu Sayyaf.
Sinabi ni Dela Rosa na walang dapat ika-alarma ang mga residente sa Bohol kasunod ng pagpasok ng mga umano’y miyembro ng bandidong Abu Sayyaf sa
lugar dahil napigilan ito ng mga otoridad.
Sa ngayon kontrolado na ng PNP at AFP ang sitwasyon sa lugar at kanila ng confined sa isang lugar ang mga bandidong Abu Sayyaf ng sa gayon hindi na ito mag escalate pa sa ibang lugar.
Nagpadala din ng reinforcement ang pambansang pulisya sa Inagbanga, Bohol kasunod sa nangyaring enkwentro kahapon.
Sinabi ni PNP chief na patuloy ang kanilang law enforcement operations sa Bohol para maaresto ang mga bandidong Abu Sayyaf na nagtangkang sumalakay sa lugar.
Inihayag din ni Dela Rosa na wala silang namomonitor na direktang banta ng terorismo sa Kalakhang Maynila ngayong Semana Santa.
Nasa 12,000 na mga pulis naman ang ipapakalat ng PNP sa Metro Manila upang matiyak na ligtas ang mga kababayan natin na magsisi-uwian sa ibat ibang probinsiya.
Tiniyak nito na ginagawa nila ang lahat para maiwasan ang anumang planong pag atake ng mga terorista.