Walang dapat ipangamba ang publiko sa implemnetasyon ng Martial Law sa Mindanao.
Ito ang tiniyak ng PNP kasunod ng pangamba ng ilang sektor hinggil dito.
Nilinaw ni PCInsp. Jose Najera ng PNP Legal Service, na walang mababago sa mga pinaiiral na alituntunin ng PNP ngayon.
Sinabi ni Najera, na sa draft ng Memorandum na kanilang ilalabas ay dapat walang warrantless arrest.
Hindi maaring ikulong ng lampas ng tatlong araw ang sinumang akusado at pairalin lagi ang police operational procedure.
Layunin nito na maprotektahan ang karapatan ng mga sibilyan kahit pa umiiral na ang martial law sa Mindanao.
Bumuo na rin ng guidelines ang PNP ukol dito at pito dito ang mga “dont’s” sa batas militar.
Habang apat lamang ang pwedeng ipatupad unang una ay irespeto ang karapatang pantao at ang dignidad ng suspek.