Hindi naniniwala ang grupo ng mga eksperto sa posibilidad na maging sources din ng transmission ng COVID-19 ang pagkain.
Ayon sa findings ng International Commission on Microbiological Specifications for Foods (ICMSF) masyadong malayo na maging source din ng COVID-19 ang mga pagkain.
Ang posisyon ng team of experts sa food contamination ay bilang pagsuporta sa naunang opinyon ng Food and Drug Administration.
Anila, hindi raw delikado na maging daan na makuha ng isang tao ang virus sa mga pagkain o food packaging ay sa mga pagkain mismo.
Sinabi pa ng mga eksperto na bagamat maaaring makakain ang isang tao ng kontaminadong pagkain at mahawa, pero wala pa naman daw silang nakikitang ganito.
Samantala, nagpaalala pa rin ang mga eksperto na mahalagang panatilihin ang food hygiene practices o maging malinis sa mga kinakain.