Binigyang-diin ni dating Special Assistant to the President (SAP) Bong Go na hindi naman siya bobo para gamitin sa kanyang kandidatura ang pondo ng gobyerno.
Sa isang ambush interview kagabi sa Abra, sinabi ni Bong Go na nag-iisip naman siya at hindi niya gagawin ang ipinaparatang sa kanya kaya kahit piso mula sa pondo ng gobyerno ay walang magagamit sa kanyang pangangampanya.
Ayon kay Go, kaya siya na mismo ang nakikiusap sa mga supporters na baklasin na ang kanyang mga tarpaulin at posters dahil sa dami ng bumabatikos.
Huwag na rin aniya magpa-imprenta ng mga T-shirts at iba pa na nilalagyan ng kanyang mukha.
Muli ring iginiit ng dating SAP na ang perang ginagamit niya sa pangangampanya ay galing sa mga pribadong tao at supporters na naniniwala sa kanila ni Pangulong Rodrigo Duterte.
“Hindi po ako bobo. Nag iisip po ako. Hindi ko po gagawin yan. Hindi po alimango ang isip ko,” ani Bong Go.