-- Advertisements --

BUTUAN CITY – Mismong si Pangulong Ferdinand ‘Bongbong’ Marcos Jr. ang nanguna sa paglunsad ng Walang Gutom 2027: Food Stamp Program didto sa Siargao Island, Surigao del Norte kaninang umaga.

Kasama niya si Department of Social Welfare and Development Secretary Rex Gatchalian at ang mga opisyal ng Surigao del Norte province.

Inihayag ng pangulo na layunin nito na mapagtibay ang food security at matugunan ang malnutrisyon na patuloy na nakaka-apekto sa mga pamilyang Filipino.

Dagdag pa ng pangulo, ang pagbibigay ng pamahalaan ng access sa monetary-based assistance sa pamamagitan ng Electronic Benefit Transfer o EBT card, na may 3-libong pisong food credits kungsaan kasama na dito ang pagtiyak na masustansyang pagkain ang kanilang bibilhin.