Walang inaasahang low pressure area (LPA) o bagyo sa loob at labas ng Philippine Area of responsibility hanggang sa weekend, ayon sa state weather bureau.
Subalit iiral sa bansa ngayong Martes, Marso 4 ang easterlies o mainit na ihip ng hangin mula sa Pacific Ocean na magdadala ng makulimlim na kalangitan at kalat-kalat na pag-ulan.
Ayon kay weather specialist Benison Estareja, inaasahnag maranasan ang mga kalat-kalat na pag-ulan at thunderstorms sa Bicol Region, Caraga, Quezon, Marinduque, Romblon, Northern Samar, Eastern Samar, Leyte, Southern Leyte at Davao Oriental.
Ang Easterlies ay magdudulot aniya ng mga pag-ulan sa ilang lugar sa eastern section ng bansa at magdadala ng maalinsangang panahon pagsapit ng tanghali.
Samantala, makakaranas naman ng bahagyang maulap hanggang sa maulap na kalangitan na may isolated rainshowers o thunderstorms sa Metro Manila at nalalabing parte ng bansa dahil sa easterlies.
Nagbabala naman ito sa publiko sa banta ng mga posibleng pagbaha at pagguho ng lupa dahil sa paminsan-minsang malalakas na pag-ulan.