-- Advertisements --

Wala umanong nakikitang indikasyon sa ngayon na magpapatupad ng lockdown pagkatapos ng halalan sa Mayo 9 dahil sa posibilidad ng pagtaas ng bilang ng COVID-19 cases.

Ayon kay DOH Secretary Frnacisco Duque III, tanging granular lockdowns lamang at hindi malawakang lockdown ang posibleng ipatupad kung kinakailangan.

Maging ang OCTA Research Group ay hindi inirerekomenda ang muling pagpapatupad ng lockdowns sa kabila ng projection na tataas ang COVID-19 infections mula sa 50,000 hanggang 100,000 active cases.

Nauna nang ibinabala ng DOH na posibleng makaranas ng panibagong surge ng COVID-19 infections sa kalagitnaa ng buwan ng Mayo kung saan ang National Capital Region ay maaaring makapagtala ng nasa halos kalahating milyong aktibong kaso kung mababalewala ang mga ipinapatupad na minimum public health standards (MPHS).

Batay sa pagtaya ng ahensiya, maaring magresulta ng 25,000 hanggang 60,000 ang maitalang bagong kaso ng COVID-19 kada araw sa May 15 kung bababa ng 50% ang compliance sa MPHS.

Posibleng lomobo umano sa 300,000 kapag bumaba sa 30% ang sumusunod at 34,788 active COVID-19 cases kapag bumaba ng 20% ang compliance.