Naniniwala ang beteranong election lawyer at Osto Diretso senatorial candidate Romulo Macalintal na hindi senyales ng iregularidad sa nangyaring 7-hour technical glitch na dahilan nang pagka-antala ng parallel vote tallies noong Lunes.
Iginiit ni Macalintal, ang pinaka-unang kandidato ng Otso Diretso na nag-concede sa senatorial race, na imposibleng nagkaroon ng manipulasyon sa resulta ng halalan sa national level.
Malabo rin aniya na binago ang datos sa pamamagitan ng SD cards na ginamit sa mga vote counting machines katulad ng basehan ng electoral protests na inihain ng mga natalong kandidato magmula nang maging automated na ang halalan sa Pilipinas noong 2010.
Noong Lunez, ang parallel counts ng watchdog Parish Pastoral Council for Responsible Voting at media organizations ay naantala matapos na magkaroon ng application error sa transparency server ng Comelec.