-- Advertisements --
WALANG IWANAN FRONTLINERS

BAGUIO CITY – Inamin ng award-winning singer-songwriter na si Toto Sorioso na masaya siyang maging bahagi ng matagumpay na pagbibigay-pugay ng Star FM at Bombo Radyo para naman sa mga frontliners sa panahon ng COVID-19 pandemic.

Si Toto nga ang interpreter ng kantang “Walang Iwanan” na isinulat ng Bombo Music Festival 2019 2nd placer na si Gino Torres.

Sa exclusive interview ng Star FM Baguio kay Toto, ibinahagi nito na proud siya na makapagbigay ng inspirasyon sa pamamagitan ng awiting handog ng himpilan.

Malaki umanong karangalan ang maging parte ng tinaguriang Unity Song ng radio network.

Sinabi rin naman ng singer na nagpapasalamat sila ni Gino sa Star FM at Bombo Radyo, at inamin niya na hindi nila akalain ang tagumpay ng awitin.

Toto Sorioso 2
Toto Sorioso

“Ang galing lang ng naging reception sa kanta. Hindi namin inakala na magiging ganito yung reaction ng mga tao. Marami ang nakaka-relate. Sobrang honored kami at thankful sa Star FM at Bombo Radyo. Marami akong mga kaibigan, sinasabi nila sa akin, naririnig nila sa radyo yung kanta. Nakakatuwa.”

Nag-iwan rin ito ng mensahe para sa lahat ng mga apektado ng krisis sa coronavirus.

“Kapit lang tayo. Let’s all pray, be compassionate. Kaya natin ito. Sama-sama, at siyempre, dapat walang iwanan.”

WALANG IWANAN FRONTLINERS COVID