Nilinaw ng pamunuan ng Department of Trade and Industry na walang kakulangan sa supply ng mga papel sa bansa.
Ginawa ni Sec. Alfredo Pascual ang paglilinaw bilang kasagutan sa pangamba ng ilang grupo na kakapusan ng supply, kasabay ng nakatakdang pagbubukas ng mga eskwelahan.
Ayon sa kalihim, nagiging diskarte na ng mga negosyante ang ganitong inilalabas na isyu, sa panahon ng pasukan, upang mapataas lamang ang presyo ng kanilang mga panindang school supplies.
Pero paglilinaw ng kalihim, pinangunahan niya ang paglilibot sa ilang mga pamilihan at natukoy na kumpleto ang mga school supplies na ibinebenta sa mga banketa, tindahan, at malalaking bilihan.
Kasabay nito, hinikayat naman ng kalihim ang publiko na isumbong sa ahensiya ang mga nagbebenta ng school supplies na posibleng mananamantala sa pagbuhos ng demand.
Paalala ng opisyal, mayroong suggested retail price na unang inilabas ng kagawaran, na maaaring maging basehan para sa presyo ng mga school supplies.