-- Advertisements --
Nilinaw ngayon ng mga organizers na walang mangyayaring kanselasyon sa Tokyo Olympics.
Ginawa ang paglilinaw sa gitna na rin ng pangamba sa pagkalat pa ng Wuhan coronavirus.
Ayon sa International Olympic Committee (IOC) tuloy-tuloy at puspusan para sa July 24 hanggang August 9 Games.
“We have never discussed cancelling the Games. Tokyo 2020 will continue to collaborate with the (International Olympic Committee) IOC and relevant organisations and will review any countermeasures that may be necessary,” bahagi ng statement ng organisers sa German news agency na DPA.