-- Advertisements --

Hindi makakaranas ang anumang bahagi ng bansa ng “danger level” ng heat index ngayong araw ng Lunes, Marso 10, 2025.

Ayon sa Philippine Atmospheric, Geophysical and Astronomical Services Administration (PAGASA) na ang pinakamainit na mararamdaman sa isang lugar ay hanggang 41 degrees Celsius.

Mararanasan ang mga ito sa San Jose, Occidental Mindoro at sa Cuyo, Palawan.

Itinuturing kasi ng PAGASA na nasa ‘danger ‘ category kung ang heat index ay umabot sa pagitan ng mula 41 degree Celsius hanggang 51 degrees Celsius.