Walang nakikitang mali si PNP chief Oscar Albayalde sa student activism pero hindi dapat na humantong ito sa pagiging armado at makipaglaban sa gobyerno.
Sinabi ni Albayalde sa sandaling lalaban ang mga ito sa pamahalaan sa pamamagitan ng armed struggle, hindi mag-aatubili ang PNP na ipatupad ang batas.
Sa ngayon, nagsisimula na ang PNP sa pakikipag-ugnayan sa Commission on Higher Education (CHED) para tugunan ang problema kaugnay sa ginagawang recruitment ng komunistang grupo sa mga estudyante.
Tiniyak naman ni Albayalde na ang ginagawang coordination ng PNP sa mga universities ay hindi magkakaroon ng negatibong impresyon lalo na ang sinasabing supression of academic freedom.
Inihayag ni Albayalde na mahalaga ang “academic freedom to promote critical thinking” sa mga edcuational institutions pero hindi ito dapat humantong sa paghikayat sa mga estudyante na lumabag sa batas.