-- Advertisements --

Sa unang pagkakataon, wala ng mga lugar sa bansa na nasa ilalim ng granular lockdown mula Abril 10 hanggang 16.

Ito ang kinumpirma ni Department of the Interior and Local Government (DILG) Secretary Eduardo Año.

Aniya, inalis na ang ipinapatupad na granular lockdown sa anim na lugar noong nakalipas na linggo.

Sa parehong period, sinabi ng kalihim na bumaba ng nasa 15.69% ang bilang ng mga hindi nagsusuot ng face mask.

Bahagyang nabawasan din ang bilang ng lumalabag sa mass gatherings sa mga lugar na nasa ilalim ng Alert level 2.

Bumaba din ang bilang ng physical distancing offenses ng hanggang 47.12%.

Samantala, iniulat din ng DILG chief na umaabot na sa 750 mula sa 1,634 LGUs ang nagpatupad ng house to house vaccination campaign matapos na ipag-utos ng Pangulong Duterte noong Abril 15.

Umaapela pa ito sa LGUs na suportahan ang inoculation drive ng bansa na tanggapin ang mga bakunang ibinibigay lalo na sa mga hindi pa nababakunahang indibidwal.