-- Advertisements --

Nakapagtala ng zero fatalities ang Civil Aviation Authority of the Philippines (CAAP) at pagbaba sa mga aksidente sa mga paliparan noong 2024.

Kumpara sa datos noong 2023, ayon kay CAAP Director General Captain Manuel Antonio Tamayo, nasa kabuuang 13 airport accidents sa iba’t ibang lugar sa bansa noong 2023 ang naitala habang noong 2024 ay 4 lamang ang naitala.

Aniya, lahat ng naitalang insidente noong nakalipas na taon ay sa general aviation and trainings habang napanatili naman ng commercial aviation ang zero accidents o fatalities.

Iniugnay naman ng CAAP official ang magandang outcome sa mahigpit na implementasyon ng safety programs, mas mahigpit pang oversight o pamamahala sa aviation operations at kolaborasyon sa stakeholders sa aviation industry.