Walang naiulat at naitalang karahasan sa panahon ng Pasko sa kabila ng kawalan ng ceasefire sa pagitan ng Communist Party of the Philippines (CPP) at Armed Forces of the Philippines (AFP).
Sinabi ng tagapagsalita ng AFP na si Col. Medel Aguilar na isang mapayapang pagdiriwang ng Pasko ang naganap ngayong taon.
Ayon kay AFP spokesperson Col. Medel Aguilar walang karahasang naiulat na kalupitan na ginawa ng Communist Party of the Philippines -New People’s Army.
Para kay Aguilar, “kabaliwan” para sa Communist Party of the Philippines at sa armadong tauhan nito na New People’s Army o NPA kung maniniwala sila na makakamit nilang pabagsakin ang gobyerno ng ating bansa.
Kaya naman, hinimok ni Aguilar ang publiko na makipagtulungan sa gobyerno para wakasan ang communist insurgency dito sa Pilipinas.