Tiniyak ng Philippine National Police (PNP) na walang namo-monitor na banta ngayong Semana Santa o Holy Week.
Ito’y kasunod ng pagkakaaresto sa isang notorious Basilan based Abu Sayyaf group (ASG) member nitong Biyernes sa Barangay Culiat, Quezon City.
Pero ayon kay PNP chief Gen. Oscar Albayalde, hindi nila tini-take for granted ang sitwasyon at nasa full alert status sila para matiyak ang seguridad ng mga Katoliko na magtutungo sa iba’t ibang simbahan bilang paggunita sa Holy Week.
Ayon pa kay Albayalde, magtatagal ang full alert status hanggang sa Easter Sunday.
Kaugnay nito, inatasan na ng PNP chief ang mga police commanders na palakasin ang seguridad sa mga malalaking simbahan na siguradong dadayuhin ng mga Katoliko.
Ipinauubaya na rin ni nito sa mga commanders ang pagtaas ng alert level sa kanilang mga areas of responsibility.
Hinggil naman sa nahuling ASG member na nahaharap sa patong-patong na kaso ng kidnapping and serious illegal detention, nagpapatuloy pa ang interogasyon dito.
Samantala, nasa 91,201 pulis na ang nakadeploy para sa Holy Week exodus, na bahagi ng Oplan “Ligtas SUMVAC 2019.â€
Ayon kay Albayalde, ang mga pulis na naka-duty ay naka-assign sa route security, target hardening at security operations partikular sa mga “places of convergence†at sa iba’t ibang mga terminal ng sasakyan sa 17 rehiyon sa buong bansa.
Sa ngayon aniya ay nakapagtala na ang PNP ng 23 insidente na nagresulta sa pagkamatay ng 15 at pagkasugat ng 13 katao.
Ang mga insidenteng ito ay binubuo ng 12 pagkalunod, tatlong vehicular accident, tig-isang kaso ng pamamaril at physical injury, at apat na kaso ng pagnanakaw.