Nilinaw ng Commission on Elections (Comelec) na hindi maaaring mag-apply ng national ID sa mga opisina nito.
Ayon kay Comelec spokesmand James Jimenez, hindi mag-iisyu ang mga field offices ng Comelec ng application para sa national ID.
Hanggang ngayon aniya ay nagpapatuloy ang pagpapa-rehistro sa mga nais bumoto sa 2022 national at local elections.
Sinabi pa ni Jimenez na limitado lang ang space sa mga opisina ng Comelec at hindi nito masusunod ang physical distancing.
Umaarangkada pa rin ang voter registration sa mga lugar na nasa ilalim ng general community quarantine at modified general community quarantine mula Lunes hanggang Huwebes, alas-8:00 ng umaga hanggang alas-3:00 ng hapon.
Una nang sinunspinde ng poll body ang voter registration ngayong buwan sa Metro Manila, Bulacan, Cavite, Laguna, Rizal, Abra, Quirino, at Santiago City (Isabela) dahil sa pagpapatupad ng modified enhanced community quarantine.