-- Advertisements --

Iniulat ng Department of Migrant Workers na walang overseas Filipino workers (OFWs) ang nasugatan sa ilang serye ng aftershocks na naramdaman sa Taiwan.

Ito ay matapos na yanigin ng magnitude 6.0 at 6.3 na lindol ang Hualien county sa eastern Taiwan kaninang 2:26 am at 2:32 am ngayong Martes.

Base na rin ito sa inisyal na reports mula sa Filipino communities at leaders sa Hualien county.

Kaugnay nito, inilagay sa alerto ng DMW ang Migrant Workers Offices sa Taiwan.

Nakikipagtulungan naman na ang Migrant Workers Office sa Manila Economic and Cultural Office (MECO) sa pangunguna ni Chairman Sivestre Bello III para makontak ang Filipino communities sa Taiwan, gayundin ang mga lokal na awtoridad at trade associations para matiyak ang kaligtasan ng mga OFW.