Kinontra ni Supreme Court Senior Associate Justice Antonio Carpio ang pahayag ni Pangulong Rodrigo Duterte na maaaring mangisda ang Chinese fishermen sa loob ng Philippine exclusive economic zone (EEZ).
Katwiran ng chief executive, kaibigan naman natin ang mga Tsino.
Sa kaniyang pahayag, inisa-isa ni Carpio ang mga dahilan kung bakit hindi nararapat na pahintulutan ang mga banyaga na kumuha ng ating yaman sa loob ng teritoryo.
“The Philippine government cannot allow Chinese fishermen to fish in Philippine exclusive economic zone (EEZ) in the West Philippine Sea because it will violate the Constitution,” wika ni Carpio.
Malinaw din umanong pagkukulang sa panig ng Armed Forces of the Philippines (AFP), kung saan si Pangulong Duterte ang commander-in-chief, kung hindi mapoprotektahan ang karapatan ng sambayanang Filipino sa ating sariling nasasakupan.
“The Armed Forces of the Philippines is specifically tasked by the Constitution to be the protector of the people and to secure the sovereignty of the state and the integrity of the national territory,” dagdag pa ng senior justice.
Sa kaniyang Twitter post naman, sinabi ni Sen. Panfilo Lacson na wala siyang nakitang salitang kaibigan sa isyu ng karapatan sa ating teritoryo base sa saligang batas.
“Somebody please help me find the word “friends†below: Art XII. Sec 2 (para 2) – The State shall protect the nation’s marine wealth in its archipelagic waters, territorial sea, and exclusive economic zone, and reserve its use and enjoyment exclusively to Filipino citizens,” wika ni Lacson.