-- Advertisements --

Nilinaw ng Department of Agriculture (DA) na aabutin pa ng hanggang tatlong buwan bago malaman ang resulta ng eksaminasyon sa meat samples ng mga baboy na pinaghihinalaang namatay dahil sa sakit.

Pero sa ngayon wala raw dapat ikabahala ang publiko dahil tiyak umano na walang outbreak ng African Swine fever sa Pilipinas.

“DA-Bureau of Animal Industry (BAI) experts said several diseases can be associated with said clinical signs. Thus, further confirmation is needed from a recognized foreign reference laboratory in Europe.”

“We expect to receive the results at the earliest, in two weeks, or at the latest, three months.”

Ayon kay Agriculture spokesperson Noel Reyes patuloy ang ginagawang joint activities ng DA regional offices at Bureau of Animal Industry para matiyak na walang karne ng baboy mula sa mga lugar kung saan may naitalang pagkamatay ang makakalabas sa merkado.

Hindi pa rin daw maaaring sabihin na African swine fever ang sanhi kung bakit namatay ang mga baboy.

Sa ngayon mahigpit daw na ipinatutupad ng DA, kasama ang BAI, local government units at Philippine National Police (PNP) ang tinatawag na 1-7-10 protocol.

Sa ilalim nito otomatikong isasalang sa culling o pagpatay ang mga baboy na nasa loob ng 1-kilometer radius affected area. Ito ay kung magpopositibo sila sa sakit.

Dapat namang isailalim sa animal test at limitadong galaw ang mga alagang baboy sa loob ng 7-kilometer radius.

Habang mandatory disease reporting ang nire-require sa mga babuyan na sakop ng 10-kilometer radius.

“In partnership with local government units, the private sector and PNP, we at the DA-BAI and concerned DA-RFOs vigorously conduct joint monitoring of the movement of live pigs, pork and pork-related products in suspected infected swine farms.”

“We strongly require that movement and trade of live animals, meat and processed products be accompanied with appropriate veterinary health certificate, shipping permit, and meat inspection certificate.”

“We also urge consumers to remain vigilant when buying meat and meat by-products, which should be duly inspected by the DA-National Meat Inspection Service (NMIS).”

Tiniyak ni Reyes na wala ng makakalabas na alaga at karneng baboy mula sa 1 at 7-kilometer radius kasunod ng direktiba ni DA Sec. William Dar.

Hinimok naman nito ang hog raisers sa buong bansa na iwasan munang pakainin ng kaning baboy ang kanilang mga alaga.

Sakali raw na may kahina-hinalang pagkamatay ng mga alagang baboy, nagpaalala ang opisyal sa publiko na agad makipag-ugnayan sa Department of Agriculture.