Wala umanong nakikita ang Facebook na partikular na indibidwal na target sa malisyosong pag-tag ng mga links na may naglalaman ng mga adult videos.
Gayunman, tuloy-tuloy pa rin naman daw ang imbestigasyon ng pamunuan ng Facebook kaugnay ng mga lumabas na malisyosong tagging matapos magreklamo ang ilang social media users dito sa bansa kahapon.
Kahapon nang nagpaalala ang Department of Justice-Office of the Cybercrime (DoJ-OOC) sa lahat ng Facebook users matapos lumabas ang report na maraming Facebook account users ang nabiktima nang otomatikong pag-tag ng mga post na naglalama ng link at magiging daan para sa adult videos.
Bago ito, nakalagay na pinindot na link na kailangan muna ng user na mag-install ng updaded video player para mapanood ng buo ang video.
Pero sa oras na klinick ang link, magreresulta ito sa automatic at random tagging ng parehong post sa mga Facebook friends ng isang user.
Dahil dito, sinabi ni DoJ-Office of the cybercrime na kapag nakatanggap ng notification tagging ang isang user lalo na sa mga mahihilig sa mga videos na naglalaman ng mga adult content ay huwag na nila itong pintudin bagkus ay agad makipag-ugnayan sa mga otoridad.
Posibleng maharap sa kasong paglabag sa RA 10175 o Cybercrime Prevention Act of 2002 ang mga responsable sa introduction o transmission ng naturang mga materials maging ng mga viruses gaya ng malwares at ang pagbagal ng computer systems.
Samantala, nagbigay naman ang Kaspersky isang Cybersecurity company ng tips para maprotektahan ang kanilang mga accounts.
Ayon kay Kaspersky general manager for Southeast Asia Yeo Siang Tiong, ang tatlong tips ay kinabibilangan ng think before clicking, maglagay ng password na kombinasyon ng mga letra, numero at mga characters at samantalahin ang security at privacy feature ng social media platforms.