Naniniwala si Deputy Majority Leader, Vice-Chairperson House Committee on Appropriations at Iloilo 1st District Representative Janette Garin na hindi maaapektuhan ang Covid-19 response ng gobyerno kahit wala pang naitatagang permanenteng kalihim ng DOH.
Sinabi ni Garin, magagawa pa rin itong aksiyunan ng DOH.
Sa Ugnayan sa Batasan News Forum, sinabi ni Congresswoman Janet Garin, hindi kawalan ang pagkakaroon ng permanenteng Health Secretary para maapektuhan ang Covid-19 response ng gobyerno.
Ayon sa mambabatas pareho lang naman ang function ng Health Secretary at Officer-in- charge sa katauhan ni Health OIC Maria Rosario Vergeire.
Ayon kay Garin, may kapangyarihan si Vergeire na magrekuminda sa mga kailangang programa ng DOH at ito ay suportado naman ng Malakanyang.
Iginiit nito, ang mahalaga ngayon ay mapunan ang maraming bakanteng posisyon sa DOH para hindi maapektuhan ang kanilang operasyon.
Base sa datos, maraming “unfilled positions” ng undersecretary, assistant secretary at iba pang posisyon sa kagawaran kaya mabagal ang pagtugon ng ilang departamento ng DOH.