-- Advertisements --
VP Leni Robredo Electoral protest
VP Leni Robredo

Tiniyak ni Vice Pres. Leni Robredo na walang personalan sa magiging trabaho niya sa Inter-Agency Committee on Anti-Illegal Drugs (ICAD) kasama ang chairman na si Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) director general Aaron Aquino.

Ito ang kinumpirma ng bise presidente matapos magbitiw ng pahayag noon si Aquino kaugnay ng kawalan nito ng tiwala kay Robredo na pamunuan ang war on drugs campaign ng pamahalaan.

“Sa akin, walang personal sa akin. Hindi ako apektado ng lahat na sinabi, kasi sa akin, trabaho ito. Gaya ng parati kong inuulit-ulit, kapag public servant ka, wala ka dapat ego. Wala akong— Hindi ko pinersonal iyong lahat na comments na nabitawan.”

Nitong Miyerkules nang tanggapin ni Robredo ang appointment sa kanya ng palasyo bilang co-chairperson ng IDAC kung saan makakatrabaho niya si Aquino at iba pang opisyal na miyembro ng komite.

Ikinagalak naman ng PDEA director general ang pagtanggap ng bise presidente sa itinalagang posisyon sa kanya ng pangulo.