Kinumpirma ng Department of Migrant Workers na walang mga Pilipino ang direktang apektado ng serye ng pag-atake ng rockets mula sa militanteng grupo na Hamas sa Holy land na Israel nitong Sabado na ikinasawi na ng 40 katao.
Ayon kay DMW officer-in-charge Undersecretary Hans Leo Cacdac, ang mga apektadong lugar sa nagaganap na giyera ay sa may southern at central areas ng Israel o sa may Gaza.
Subalit, nakikipag-uganayan na ang ahensiya sa mga Filipino community sa mga apektadong lugar. Kalmado naman aniya ang mga OFWs sa nabanggit na lugar.
Naglunsad na rin aniya ng counter-action ang Israeli Defense forces bilang tugon sa rocket attacks na inilunsad ng Palestinian militants.
Ayon kay USec. Cacdac mayroong 300 Pilipino ang naninirahan sa mga lugar na direktang tinamaan habang nasa 1,557 OFWs naman ang nananatili sa may southern cities na bahagyang apektado ng mga pag-atake.
Patuloy naman ang kanilang pag-monitor sa sitwasyon at umaasang ma-deescalate na ang giyera sa bansa.