Walang naiulat na mga Pilipinong nasawi sa tumamang malakas na magnitude 7.4 na lindol nitong Lunes ayon kay DFA USec. Eduardo De Vega.
Aniya, nasa ligtas na kalagayan ang mga Pilipinong naninirahan sa Wajima, Ishikawa Prefecture sa Japan na tinamaan ng lindol.
Sinabi din ni USec. De Vega na agad nilang kinontak ang Filipino community sa lugar at wala pang casualties na naiulat sa ngayon.
Sinunod din ng mga Pilipino ang abiso ng prefectural government na lumikas sa mas mataas na lugar at para maiwasan ang mga pinsala sa mga kalsada at tulay.
Nag-isyu na rin ng parehong advisory ang Nagoya PH Consulate General at patuloy na nakabantay sa sitwasyon ng mga Pilipino.
Sa ngayon, 4 na katao na ang kumpirmadong nasawi sa pagtama ng malakas na lindol sa western Japan.