-- Advertisements --
Patuloy na mino-monitor ng Philippine Embassy sa United States of America ang kalagayan ng mga Pinoy, kasunod ng 7.1 magnitude na lindol sa Ridgecrest area sa California pasado alas onse ngayong araw.
Pero sa inisyal na impormasyon ng embahada, wala namang naitalang nasawi o nasugatan dahil sa pangyayari.
Nabatid na maraming nai-record na insidente ng sunog makalipas ang malakas na lindol.
Ayon kay Bombo international correspondent Jun Villanueva, napakaraming Filipino sa California, kumpara sa ibang state ng US kaya karaniwang makakakita ng mga kababayan natin sa iba’t-ibang area, maging sa mga apektado ng lindol.