Nagmistulang scene sa Batman comics ang nangyaring pag-atake ng 24-anyos na lalaki na naka-costume bilang si “Joker” sa mga pasahero sakay ng isang tren sa Tokyo, Japan kasabay ng pagdagsa ng mga party-goers para sa halloween gatherings sa lungsod.
Nakasuot ng bright purple suit at green shirt ang naturang suspek na mala-Joker mula sa Batman comics habang may hawak itong mahabang kutsilyo.
Aabot sa 17 pasahero ang naitalang nasugatan matapos na magsaboy ng fluid na pinagsimulan ng sunog sa tren.
Ayon sa Tokyo Fire Department, tatlo sa mga nasugatan ang nagtamo ng serious wounds habang isang lolo naman na edad 60 ang nasa critical condition matapos na saksakin ng suspek.
Sa report naman ng Bombo Radyo correspondent na si Josel Palma mula sa Tokyo, sinabi nito wala namang Pinoy na nadamay nang mangyari ang insidente dakong alas-9:00 ng gabi.
Aniya, inakala pa raw ng isang witness na isang halloween stunt lamang ang naturang pag-atake.
Ito rin naman ay kinumpirma ng Philippine Embassy sa pamamagitan ng Japan Chargé d’Affaires Robespierre Bolivar.
Gayunman pinaalalahanan ni Bolivar ang mga Pinoy sa Japan na amging alerto at mag-report sa pulisya kung may kahina-hinalang sitwasyon sa kanilang lugar.
“We urge Filipinos in Japan to remain cautious and mindful of their surroundings and report any suspicious activity to the police,” ani Bolivar sa statement.
Samantala batay naman sa ulat, umamin daw ang suspek sa mga otoridad na gusto niyang pumatay ng tao upang masentensiyahan siya ng kamatayan.
Batay naman sa ulat, umamin daw ang suspek sa mga otoridad na gusto niyang pumatay ng tao upang masentensiyahan siya ng kamatayan.
Sa kabila nito, on the spot naman na naaresto ang suspek.
Nangyari ang pag-atake sa Keio express line patungo ng Shinjuku, na itinuturing na busiest rail station sa buong mundo. (with reports also from Bombo Everly Rico)