Tiniyak ng Department of Foreign Affairs (DFA) na walang Pilipinong nadamay sa malawakang forest fires sa West Coast ng Estados Unidos.
Sa isang pahayag, sinabi ng DFA na sa kasalukuyan ay wala pa raw silang natatanggap na ulat na may mga Pinoy na naapektuhan ng wildfires.
“The Department of Foreign Affairs (DFA) confirms that no Filipinos have so far been reported affected by the recent forest fire incidents across the United States’ West Coast,” saad ng DFA.
Nag-abiso naman ng kagawaran na regular na mag-check ng advisories sa mga Philippine Foreign Service Posts na nakakasakop sa apektadong mga lugar, tulad ng Philippine Consulate General sa Los Angeles at sa Philippine Consulate General sa San Francisco.
Una nang sinabi ng mga otoridad sa Amerika na libu-libo nang mga kabahayan ang sinira ng sakuna.