-- Advertisements --
Walang Pinoy ang sugatan sa nangyaring pambobomba sa Kabul airport, Afghanistan.
Ayon sa report ng Department of Foreign Affairs (DFA) ang nasabing impormasyon ay base sa preliminary information mula kay Philippine Ambassador to Pakistan Daniel Espiritu.
Itinaas na ng DFA sa Alert Level 4 ang alerto kung saan nangangailangan ito ng mandatory repatriation.
Sa kabuuan nasa 185 Pinoy na ang nakaalis sa Afghanistan habang may 24 pa ang na-stuck sa nasabing bansa.
Sa nasabing bilang naman, 16 sa kanila ang nag-request ng repatriation mula sa kanilang kompaniya o mula sa gobyerno.