-- Advertisements --

Walang Filipino ang nadamay sa magnitude 7 na lindol na tumama sa Aegean coast, Turkey.

Sinabi ni Philippine Ambassador Raul Hernandez, nasa Izmiz province sila para sa consular mission ng mangyari ang nasabing lindol.

Agad silang nakipag-ugnayan sa mga Filipino Community sa lugar at walang mga casualties na Filipino ang naitala.

Magugunitang 14 na katao ang patay at 20 gusali ang gumuho dahil sa pagtama ng malakas na lindol.

Naramdaman ang lindol sa Turkey at Greece.