-- Advertisements --

Kinumpirma ng Department of Foreign Affairs (DFA) na walang Pilipino na nasaktan sa naganap na pagsabog ng isang kotse sa Mogadishu, Somalia.

Base ito sa nakuhang impormasyon ng DFA mula sa Philippine Embassya sa Nairobi na may jurisdiction sa Somalia.

Kinondena rin ng ahensya ang nangyaring insidente sa naturang bansa kung saan nagiging madalas na ang car bombings na hinihanalang kagagawan ng Al-Shabaab Islamist militants na ka-alyado naman ng Al-Qaeda.

“The Philippines has long been (at) the forefront of the fight against terrorism and extreme violence and supports international efforts to eradicate them,” nakasaad sa inilabas na pahayag ng DFA.

Naitala ang makasaysayang pag-atake sa Somalia noong October 2017 kung saan pinasabog ang isang truck na kumitil sa buhay ng 512 katao at 295 ang sugatan.