-- Advertisements --
DFA IMAGE 2
DFA

Walang Filipino ang nasaktan sa serye ng pambobomba sa Bangkok, Thailand.

Ayon sa Department of Foreign Affairs (DFA) na matapos ang nasabing ulat ng pagsabog ng bomba ay agad silang nakipag-ugnayan sa bansa.

Nanawagan din ang DFA sa mga Filipino na naninirahan sa Thailand na maging maingat at kalmado.

Dapat rin aniyang makipagtulungan ang mga ito sa ipinapatupad na security measures ang mga otoridad.

Magugunitang isinabay ang serye ng pambobomba sa 52nd ASEAN Foreign Ministerial Meeting.