Walang mga Filipino ang kabilang sa nasawi o nasugatan sa nangyaring deadly triple-train collission malapit sa Balasore silangang estado ng Odisha.
Ito ang inihayag ng Embassy of the Philippines sa New Dehli, India.
Batay sa ulat ng mga otoridad halos nasa 300 na ang nasawi habang nasa 900 ang sugatan at kasalukuyang ginagamot sa ibat ibang hospital.
Sa pakikipag-ugnayan ng Bombo Radyo kay Philippine envoy to India Mr. Josel Ignacio,sinabi nito na wala silang natanggap na ulat na may mga Pinoy ang nasangkot sa nangyaring insidente.
Sa panig naman ni Mr. John Boitte C. Santos, Chargé d’ Affaires ng Philippine Embassy sa India, kaniyang sinabi na nakikipag-ugnayan sila sa Philippine Honorary Consulate sa Kolkata na siyang may jurisdiction sa Odisha at sinabing walang Filipino ang nasangkot sa nasabing aksidente.
” Per coordination with the local officials and Filipino community in the area, it has not recieved any information about Filipino nationals affected by the accident,” mensahe na ipinadala ni Mr. Santos sa Bombo Radyo.
Sinabi ni Santos, kaagad na nagsagawa ng retrieval and rescue operation ang mga otoridad, habang inasikaso agad ng mga medical and paramedics team ang mga sugatang indibidwal.
Kasunod ng banggaan ng tatlong train, kaagad din pinulong ni Odisha, Prime Minister Narendra Modi ang mga opisyal nito para i-assess ang sitwasyon at para matiyak na nabigyan ng tulong ang mga sugatang biktima.
Tiniyak ni Modi na makakatanggap ng pinansiyal na tulong ang mga biktima.
Dahil sa madugong aksidente, idiniklara naman ang “state of mourning” sa buong estado ng Odisha.
Tatlong tren ang nagbanggaan na kinasasangkutan ng Howrah Superfast ,Coromandel Express at ang goods train.
Ayon kay Santos, habang patungo ng Howrah, ang Bengaluru-Howrah Express nadiskaril kung saan ang coaches o bagon nito bumagsak sa train racks at bumangga sa Shalimar-Chennai Coromandel Express na patungong Chennai, nasangkot din sa aksidente ang goods train.