-- Advertisements --

Walang natatanggap sa ngayon ang Deaprtment of Foreign Affairs (DFA) na nasugatang mga Pinoy sa nangyayaring kaguluhan sa Tripoli, Libya.

Ayon kay DFA spokesperson Amb. Ma. Teresita Daza na nakamonitor ngayon ang Philippine Embassy sitwasyon sa tripoli.

Patuloy pa rin ang paghikayat ng mga kababayan na manatili sa kanilang bahay o sa ibang ligtas na mga lugar habang ang nagpapatuloy pa rin ang kaguluhan at tawagan ang embahada sa pamamagitan ng kanilang hotline numbers para sa agarang assistance.

Una ng sumiklab ang sagupaan sa Tripoli gabi ng linggo na nag-iwan ng 23 katao na nasawi habang nasa 140 ang sugatan.

Mayroon ding anim na mga ospital ang nadamay kung saan hirap din ang mga ambulansiya na marating ang mga apektadong lugar.

Nag-ugat ito sa pagitan ng rival administration na nagnanais na makontrol ang North African country at ang vast oil resources.

Sa datos ng DFA, nasa kabuuang 2,164 Filipinos ang nakabase sa Libya, Karamihan sa mga ito ay nurses at healthcare workers, mayroon ding iba na Filipino university instructors at professionals na nagtratrabaho sa oil at gas industry.