Mahigpit na mino-monitor ngayon ng Department of Migrant Workers ang sitwasyon sa Morocco kasunod ng malakas na lindol na tumama sa nasabing bansa at ikinasawi ng nasa mahigit 2,000 katao.
Ayon kay Department of Migrant Workers officer-in-charge Hans Leo Cacdac may mga hakbang ng ginagawa ngayon ang labor attache sa Rabat kasama ang Department of Foreign Affairs kung saan kanila ng inaalam ang kalagayan ng nasa mahigit 2,000 Filipinos na nasa North African country.
Iniulat din ng Philippine Embassy sa Morocco na walang mga Pilipino ang nasugatan sa malakas na lindol.
Gayunapaman, patuloy ang ginagawang pakikipag ugnayan ng mga opisyal ng pamahalaan sa Filipino community sa Morocco.
Sinabi ni Cacdac maraming mga Filipino workers sa Morocco na nagtatrabaho bilang mga skilled workers.
Iniualat ng Interior Minister ng Morocco na nasa 2,012 indbidwal ang nasawi sa lindol na karamihan sa probinsiya ng Al-Haouz at Taroudant.