-- Advertisements --

Iniulat ni Philippine Ambassador to the US Jose Manuel Romualdez na walang mga Pilipino sa ngayon ang naitalang nasugatan sa mass shooting sa ChicagoIllinois USA nitong July 4 kasabay ng Independence day parade na ikinasawi ng anim na katao at 36 naman ang sugatan.

Ayon kay Ambassador Romualdez, nakipag-ugnayan agad si Philippine Consul General Susana Paez sa mga awtoridad subalit tumanggi muna ang mga ito na magbigay ng detalye hangga’t hindi pa nabeberipika ang mga biktima.

Aniya, nasa tinatayang 300,000 Pilipino ang kasalukuyang naninirahan sa Illinois.

Nagpaalala naman ang envoy sa mga Pilipino sa naturang lungsod na maging vigilant at maging maingat sa lahat ng pagkakataon dahil sa tumataas na bilang ng mga insidente ng Asian hate crimes sa Amerika.