-- Advertisements --
DAVAO CITY – Nilinaw ng Davao City PNP na walang pulis na kasapi sa mga sumulpot na money making scheme sa Mindanao gaya ng Kabus Padatuon (KAPA).
Sa panayam ng Bombo Radyo sinabi ni C/Supt. Alexander Tagum, hepe ng Davao City PNP, na naglabas na ng memorandum ang kanyang tanggapan sa lahat ng pulis para umiwas ang mga ito na sumali sa nasabing modus.
Aminado ang opisyal namay ilang kawani mula sa provincial office ang nauna ng nagtanong kung mayroon siyang tauhan na miyembro ng KAPA sa Davao City.
Pero giit ni Tagum, nakasunod ang kanyang hanay sa cease and desist order ng Securities and Exchange Commission laban sa KAPA.