-- Advertisements --
Walang nakikitang anumang banta sa seguridad sa ngayon kaugnay sa nalalapit na inagurasyon ni President-elect Ferdinand Marcos Jr ayon kay DILG Secretary Eduardo Año.
Liban na lamang sa ilang kilos protesta na isasgawa ng ilang mga grupo subalit nananatiling silang nakaalerto.
Aniya, nakumpleto na anila ang paghahanda para sa pagtiyak ng seguridad sa mismong araw ng panunumpa ni Marcos Jr bilang pangulo ng bansa sa National Museum sa June 30.
Inaantay pa sa ngayon ang opisyal na listahan ng mga dadalo lalo na kung mayroong mga foreign heads of state o iabng kinatawan na dadalo sa inagurasyon.
Humiling naman ang DILG chief sa mga protesters na magsagawa lamang ng rallies sa designated freedom parks at huwag guluhin ang inauguration proper.