Hindi nagbigay ng timetable ang Houston Rockets kung kailan posibleng makasali na sa training camp ng koponan si dating NBA MVP James Harden.
Ayon kay Rockets coach Stephen Silas, batid nilang may rason si Harden sa hindi nito pagsipot, at bahala na raw siya kung sasabihin niya ito.
“He’s not here and he has a reason, but that’s on him to tell whoever what the reason is,” wika ni Silas.
“There is no timetable, as far as I know. It is a setback. You want your best player to be here,” dagdag nito.
Sinasabing dahil daw sa NBA COVID protocols kaya hindi nakasipot sa unang araw ng team practice ang Houston superstar kahapon.
Una nang umugong ang isyu na masama raw ang loob ni Harden at hindi nasunod ang kagustuhan na ma-trade patungong Brooklyn Nets.