-- Advertisements --
AFP CHIEF Benjamin Madrigal
General Madrigal

Nilinaw ni Armed Forces of the Philippines (AFP) chief of staff Gen. Benjamin Madrigal na walang tower at relay stations na itatayo ang Chinese Telco na DITO Telecommunity sa mga kampo ng militar, taliwas sa naunang report.

Ayon kay Madrigal ang gagamiting military facilities ng 3rd Telco ay matatagpuan sa malalayong lugar lalo na sa mga bundok.

Ang gagawin ng mga ito ikakabit lamang sa military tower ang system na gagamitin ng China Telco company kapareho din sa ginawa ng Smart at Globe.

Walang babayarang rental ang China Telco sa AFP kundi magbibigayan lamang sila lalo na kapag sa isang lugar hindi abot ang signal ng AFP para sa kanilang radio communication dito makikigamit sila sa facility ng nasabing telco company.

Nilinaw din ni Madrigal na ang nilagdaan nitong kasunduan sa DITO Telecommunity ay walang pagkakaiba sa Memorandum of Agreement sa pagitan ng Globe at Smart.

Giit ni Madrigal bago pa niya ito pinirmahan cleared na ito sa Intelligence, sa kanilang communication division at maging sa NTC at DICT.

Wala din nilabag si Madrigal sa pagpirma ng MOA dahil kanila pa ito paaapbruhan kay defense secretary Delfin Lorenzana.

Giit nito kapag hindi ito aprubado ng kalihim ay maaari pa naman ito ipawalang bisa.

” Yun kasi ang proseso natin, the MOAs will have to be approved by the SND but before the Secretary of Defense signs the MOA I have to sign it, bago umakyat kay SND pipirmahan ko muna,” pahayag ni Gen. Madrigal.

Dagdag pa ni Madrigal na dapat bubusisiin din ng mga kritiko kung ano ang gamit na system ng dalawang telco sa bansa dahil wala ito pagkakaiba sa system na gagamitin ng DITO Telecommunity.

” Mahirap kasi mag banggit, pero tignan natin yung systems ng iba basically pare pareho, mayroong Chinese technology naka ano so hindi lamang telecom of course in all other systems,” dagdag pa ni Madrigal.