-- Advertisements --
INDONESIA TIMOR LESTE

Agad na nilinaw ng mga otoridad na walang banta sa tsunami ang magnitude 7.5 na lindol na tumama sa karagatang sakop ng East Timor at Indonesia kaninang umaga.

Ito ang nilinaw ng U.S. Geological Survey (USGS) at ang Pacific monitoring authorities.

Una nang naitala kaninang alas-11:53 ng umaga nitong Lunes ang lindlo kung saan ang lakas ay nasa magnitude of 7.2.

Ang sentro ay natukoy sa lalim na 220 km (136 miles).

Sa sumunod na update ng USGS inilagay ang lindol sa 7.5 magnitude.

Paliwanag naman ng Hawaii-based na Pacific Tsunami Warning Center na hindi nabuo ang tsunami dahil sa masyadong malalim na ang sentro ng pagtama ng lindol.

Wala pa namang report ng pinsala pero nagdulot ito ng panic sa mga turista sa holiday island ng Indonesia na Bali.

Naglabasan din sa kanilang mga bahay ang marami namang residente lalo na sa capital ng east Timor na Dili.