-- Advertisements --
Nilinaw ng Phivolcs na walang banta ng tsunami sa mga dalampasigan ng Pilipinas, sa kabila ng 7.1 magnitude na lindol.
Una rito, naranasan ang malakas na pagyanig sa Kyushu, Japan.
Nangyari ito bandang alas-3:42 ng hapon.
Sa local data ng ahensya, nasa 6.9 magnitude ang kanilang nasukat, bahagyang mababa kumpara sa initial report mula sa Japan na 7.1 magnitude.
May lalim itong 33 kilometers at tectonic ang pinagmulan.