-- Advertisements --

BAGUIO CITY – Ipinagtanggol ni Baguio City Police Office (BCPO) ang pagpasok ng Baguio City ni Philippine National Police (PNP) chief Gen. Archie Gamboa at ng entourage nito.

Ayon kay city director Col. Allen Rae Co, kompleto ang travel documents nina Gamboa at dumaan ang mga ito ng triage procedures bago sila nakapasok ng lungsod.

Aniya, lahat ng entourage ni Gamboa ay nagrehistro sa returning Baguio residents (RBR) website.

Nakatakda aniyang mabigyan ang PNP chief ng testimonial parade sa Philippine Military Academy (PMA) ngunit nagdesisyon ang liderato ng Department of National Defense, Armed Forces of the Philippines at ng mismong honoree na si Gamboa na hindi na ituloy ang seremonyas.

Gamboacpnp

Batay sa rekord ng BCPO, nakarating ng Baguio sina Gamboa gabi ng Huwebes, August 13 para sa nakatakda sanang testimonial parade nito noong Sabado, August 15.

Miyembo ng PMA SINAGTALA Class of 1986 si Gamboa na nakatakdang magretiro sa September 2.

Napag-alamang nakipagpulong din si Gamboa kay Mayor Benjamin Magalong at mga opisyal ng BCPO at Police Regional Office Cordillera ukol sa peace and order situation ng rehiyon.

Gayunman, umingay sa social media ang umano’y private party sa chief PNP cottage sa Navy Base na may kasama pang entertainment.

Iginiit naman ni Gamboa na ang nangyari ay isang pribadong dinner.