CENTRAL MINDANAO – Walang umento sa sahod ng mga manggagawa sa Rehiyon 12 kasabay ng pagdiriwang ng Labor Day ngayong araw.
Ayon kay Regional Tripartite Wages and Productivity Board Region 12 (RTWPB-12) Director Jessie Dela Cruz, hinihintay pa kasi nila ang resulta ng poverty threshold survey ng Philippine Statistic Authority (PSA).
Ang poverty threshold survey ng PSA ang syang magiging batayan ng RTWPB-12 kung kailangang taasan ang sahod ng mga empleyado sa mga pribadong kompanya.
Dagdag ni Dela Cruz na nagpapatuloy ngayon ang kanilang pagsusuri hinggil sa socio-economic indicators at wala ring natatanggap na petition for wage increase ang kanilang tanggapan.
Ang Wage Order number 20 na nagtatakda ng P 311 na arawang sahod sa mga manggagawa sa non-agriculture sector at P290 naman sa agricultural, retail and services sector sa Rehiyon 12 ay sa Mayo 11, mag-iisang taon na.