-- Advertisements --

Tiniyak ni PNP chief P/Gen. Oscar Albayalde na hindi magkakaroon ng “whitewash” sa ongoing investigation hinggil sa ikinasang “One time, Big time operation” na ikinasawi ng 14 na mga indibidwal na umano’y mga magsasaka at miyembro ng komunistang grupo.

Nais din matukoy ni Albayalde kung may lapses sa hanay ng mga pulis na nagpatupad ng law enforcement operations.

Mananatili naman sa PNP Holding and Accounting Unit (PHAU) sa Kampo Crame ang sinibak na provincial director at tatlong chief of police ng Negros Oriental.

Paliwanag ni Albayalde na ang pagkakasibak sa pwesto sa apat na opisyal ay para bigyang daan ang impartial investigation at hindi ibig sabihin na may kasalanan ang mga ito.

PNP Chief Oscar Albayalde / FB post

Ang mga sinibak sa puwesto ay sina Negros Police Provincial Office Director, P/Col. Raul Tacaca; Canlaon City police chief P/Lt. Col. Patricio Degay; Manjuyod Municipal Police Station chief P/Lt. Kevin Roy Mamaradlo; at Sta. Catalina Municipal Police Station police chief, P/Capt. Michael Rubia.