Ipinagkibit-balikat lamang ni vice presidential candidate Walden Bello ang pagdeklara sa kanya ng Davao City Council bila persona non grata.
Sa kanyang inilabas na statement, iginiit ni Bello na siya ay “unconcerned” at “unbothered” sa naging desisyon ng konseho.
Para kay Bello, mas mahalaga pa para sa kanya ang mga ordinaryong mamamayan sa Davao kaysa naman sa iilang nagbenta ng kanilang kaluluwa sa mga Duterte.
Sa kanyang pakikipag-usap sa mga ito noong nakaraang linggo, na kinabibilangan ng mga manggagawa, magsasaka, mga propesyunal at iba pa, lumalabas lamang ang “immense dissatisfaction” ng mga ito sa korapsyon at hypocrisy sa dinestiya sa lungsod.
Kasabay nito ay muling binigyan diin ni Bello na kung totoo mang kumpyansa si Davao City Mayor Sara Duterte sa kanyang track record, dapat aniya na humarap ito at makipagdebate sa kanya.
Dapat na aniyang itigil ng alkalde ang pagpapadala ng kaga ng City Council para linisin ang imahe nito.
Giit pa ni Bello, babalik siyang muli sa Davao City balang araw.