-- Advertisements --
Naghigpit ang Wales, United Kingdom sa pagpapasok ng mga turista lalo na sa mga lugar na may malaking kaso ng coronavirus.
Sinabi ni Wales first minister Mark Drakeford, ipinaalam niya muna kay British Prime Minister Boris Johnson bago tuluyang isara ang mga border.
Layon nito ay para maprotektahan ang mga mamamayan mula sa pagkahawa ng COVID-19.
Nagtala kasi ng 946 bagong kaso ang Wales nitong Miyerkules na siyang pinakamataas na bilang mula ng magsimula ang pandemic.